Wednesday, November 13, 2013

Typhoon Yolanda 11-08-2013 (Haiyan)




Tacloban City Philippines

Typhoon Haiyan/Yolanda ay isa daw sa pinaka malakas na tropical cyclones (termed “Typhoon” in the western Pacific) ever recorded.








First of all ay nakikiramay po ako sa mga naulila at nawalan ng mahal sa buhay at ganun din sa lahat ng mga patuloy na lumalaban sa gitna ng kalamidad sa lugar ng Tacloban City. Sana ay malagpasan po ninyo ang pagsubok na ito at maging matatag lalo na sa mga darating pang mga araw, sa inyong muling pagbangon.




Dahil sa dami ng mga nababasa ko sa Facebook newsfeed ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob mapanood ang mga video ng typhoon na nangyari sa Tacloban City Philippines noong nakaraang biyernes..



 At totoo naman pala talagang nakaka iyak at napakasakit sa dibdib habang nakikita mo ang mga kababayan mo sa ganoong sitwasyon.


At nakakalungkot isipin na napaka bagal kumilos ng ating gobyerno pagdating sa ganitong mga kalamidad. Ilang araw ng walang pagkain at inumin ang mga tao doon. Ang mga nasawi at di pinalad makaligtas ay ilang araw naring nasa kalsada lang at ang iba ay nangangamoy na daw.








Nakakatuwa lang ay napaka daming bansa ang tumutulong at nakikiramay sa nangyari sa ating mga kababayan sa Tacloban. Maraming salamat po.



No comments:

Post a Comment